Nagsimula na ang labor department sa pamamahagi ng P13-B cash aid nito sa mga naapektuhan ng krisis dulot ng COVID-19.
Sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF )na dinaluhan ng iba’t-ibang mga gabinete ng Pangulo, ipinagmalaki ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na nagsimula na silang magpay-out sa Virac, Catanduanes sa mga benepisaryo ng ‘tupad’ o tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged/displaced workers.
With the Senator Bong Go, Secretary Bautista Nagpayout na po kami sa Virac Catanduanes including Bato Catanduanes Mr. President, doon sa P2,500, Mr. President,” ani Bello
Bukod pa rito, ayon kay Bello, nakahanda nang ipamahagi ng ahensya ang iba pang tulong pinansyal nito sa iba pang mga manggagawa ng iba’t-ibang sektor.
Ready na po kami na i-payout yung binigay niyo na saming 13-B Mr. President to include yung 3-B from the tourism at saka P300-M sa teachers yung mga non-teaching position,” dagdag ni Bello
Sa naturang pondo, P6-B rito ang inilaan sa mga benepisaryo ng ‘tupad’.
P5-B naman sa mga benepisaryo ng camp o COVID-19 adjustment measures program na tulong pinansyal sa mga manggagawa sa pribadong sektor na naapektuhan ang kabuhayan makaraang isara, pansamantalang itigil ang kanilang operasyon, o kaya’y nagpatupad ng iba’t-ibang working arrangements dahil sa banta ng virus.
Habang ang P2-M naman ay inilaan sa ‘AKAP’ o abot kamay ang pagtulong program na tutulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho, at ang nalalabing pondo ay para sa tig-iisang anak ng mga OFWs na nag-aaral sa kolehiyo.
Yung binigay niyo Mr. President na 1-B para sa mga anak ng OFW na 1 college students for displaced OFWs for payout na lahat, Mr. President.” pahayag ni Bello