Gugulong na simula ngayon, ika-1 ng Abril, ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng ayuda para sa 18-milyong low income earners sa bansa.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, P5,000 hanggang P8,000 ang ipagkakaloob sa mga beneficiaries.
Gayunman, depende anya sa minimum wage na umiiral sa isang rehiyon ang matatanggap ng mga benepisyaryo.
Sinabi ni Nograles na sa ngayon, ang gagamitin muna nilang listahan ay ang sa national government sa pamamagitan ng DSWD habang hinihintay ang listahan mula sa mga local government units.
Ito na po ‘yung from the social amelioration package, at ang uunahin po naming ibibigay at ipamamahagi ay ‘yung sa food assistance, so, ‘yun po ang next natin. ‘Yun muna ang gagamitin nating database sa pag-identify at pagbigay ng social amelioration. Habang ginagawa ‘yan, patuloy pa rin po ‘yung pagkokolekta ng DSWD ng listahan mula sa LGUs to make sure na walang makaligtaan,” ani Nograles.