Kahit Todos Los Santos, pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pamamahagi ng tulong sa mga taga-Maguindanao na naapektuhan ng Bagyong Paeng, lalo sa mga mamamayang nawasak ang mga bahay.
Sa kanyang talumpati kahapon, inihayag ng Pangulo na hindi na dapat construction materials ang ipagkaloob sa mga naapektuhang residente sa halip ay cash upang muling maayos ang kanilang mga bahay.
Nasa P5,000 hanggang P10,000 ang ipinamahagi ng Punong Ehekutibo depende sa laki ng pinsala na natamo ng bahay ng isang residenteng apektado.
Nag-aerial inspection din si PBBM sa Maguindanao at nagsagawa ng situation briefing.
Sa naturang briefing, pinuna ni Pangulong Marcos ang mga lugar sa Maguindanao na kalbo na ang mga bundok na naging dahilan nang pagbaha at pagguho ng lupa.