Agad inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang ilang ahensya ng gobyerno na sumaklolo sa mga biktima ng flashfloods at landslides sa Davao Region, ilang bahagi ng Sarangani at General Santos City.
Ayon kay Pangulong Marcos, nakatutok na ang NDRRMC, DPWH at DSWD sa sitwasyon at namamahagi na ng relief supplies sa mga apektadong pamilya.
Pinatitiyak din ng punong ehekutibo sa DSWD na ibiibigay agad ang mga kailangang tulong ng lahat ng evacuees.
Kasalukuyang dumadalo ang pangulo sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit sa Thailand.
Ang flashfloods at landslides sa ilang bahagi ng Mindanao ay dulot ng malakas na ulan dala ng inter-tropical convergence zone.