Tinapos na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pamamahagi ng ayuda sa iba’t-ibang sektor ng mga manggagawa sa ilalim ng Coronavirus Adjustment Measures Program (CAMP).
Ito’y ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III ay matapos na maabot ang target na mabigyan ng one-time cash assistance na P5,000 kada manggagawa sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act (Bayanihan 2).
Nito lamang Disyembre 8 ayon sa DOLE, aabot na sa mahigit 1,462,000 manggagawa mula sa mahigit 36,000 establisyemento ang nag-apply sa camp.
Lagpas na aniya ito sa target na dalawang libong mga manggagawa maging benepisyaryo kung saan, lumagpas pa ng P2.3 bilyong sa nakalaang P4 bilyong ang kanilang napmahagi.