Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mananatili sa local government units (LGUs) ang pamamagi ng cash aid sa Metro Manila.
Ayon kay DILG undersecretary Jonathan Malaya, spokesman ng DILG, gagamitin lamang ang mga pulis at sundalo sa mga liblib na lugar lalo na sa mga lugar kung saan nagkakaroon umano ng anomalya sa distribusyon ng cash aid.
Sinabi ni Malaya na wala namang sapat na tao ang AFP at PNP dahil may iba pang silang mga obligasyon.
Ang paggamit sa mga pulis at sundalo sa cash distribution ay batay sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte.