Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na lumagpas na sa kanilang target na bilang ang mga nakatanggap ng cash assistance.
Ayon kay DSWD Spokesperson, Assistant Secretary Romel Lopez, pumalo na sa halos P1.3 billion o katumbas ng 520,000 students, na lampas sa kanilang initial goal na 400,000 benepisyaryo.
Sinabi ni Lopez, na nasa P200-M pa ang natitira sa kanilang pondo para sa indigent students mula sa elementary hanggang College o Vocational Level sa pamamagitan ng One-Time Cash Aid.
Iginiit ni Lopez na posible pang makatanggap ng cash assistance ang nasa 100k estudyante sa huling round ng distribution bukas, September 24.
Matatandaang sinabi ng DSWD na kanilang ikinukonsidera ang One-Time Extension ng assistance program, pero nakadepende parin ito sa availability ng kanilang pondo.