Minamadali na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng cash assistance para sa mga benepisyaryo.
Ayon kay DSWD secretary Erwin Tulfo, dapat ay mailabas na ora mismo ang cash assistance sa mga nangangailangang pamilya.
Sinabi ni Tulfo na nagsimula kahapon ang pamamahagi ng ayuda na tatagal ng lima hanggang anim na araw bago ito maideposito sa cash cards ng mga benepisyaryo.
Ayon sa kalihim, malaking tulong ang P6.2 billion na pondong inilaan para sa mga kababayan na mahihirap lalo’t patuloy pa ring tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin dahil na rin sa krisis na kinahaharap ng buong mundo.
Sakop ng naturang programa ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), 6 milyong pamilya mula sa Non-4Ps at 2.4 milyong mahihirap na pamilya mula naman sa datos ng kagawaran.