Nagbabala si Senator-elect Kiko Pangilinan laban sa pamamahagi ng Coco Levy Funds nang direkta mismo sa mga magni-niyog.
Ayon kay Pangilinan, mayroong isyu ng ligalidad at kwestyonable, aniya, ang nasabing hakbang bilang tugon sa kahirapan ng mga magsasaka.
Sinabi ni Pangilinan, Philippine Coconut Authority na ang may saklaw sa pamamahagi ng 72 Billion Pesos na pondo.
At kung bibigyan, aniya, ng parte ang bawat magni-niyog mula sa naturang halaga, makatatanggap lamang sila ng P. 20,000.00
Ayon kay Pangilinan, hindi magiging epektibong tulong ang ganong halaga sa kabuhayan ng mga magsasaka.
Una nang sinabi ni President-elect Rodrigo Duterte na ipamigay na sa mga benepisyaryong magniniyog ang Coco Levy Funds.
By: Avee Devierte