Ibabalik na umano sa mga magniniyog ang kanilang pinaghirapang ‘Coco Levy Fund’.
Ito’y matapos aminin ni incoming Agriculture secretary Emmanuel Piñol na ipinag-utos ni president-elect Rodrigo Duterte na i-release ang nasabing pondo.
Ayon kay Piñol, inatasan ni Duterte si incoming presidential legal adviser Salvador Panelo na gawin ang lahat ng mga hakbang upang masigurong maibibigay ito sa mga benepisyaryo.
Sinasabing nasa 93 bilyon na ang kabuuang ‘Asset Value’ ng Coco Levy fund na pinaghirapan ding ipaglaban ng mga magniniyog at nakarating pa sa korte suprema na nagdesisyon pabor sa kanila.
By: Jelbert Perdez