Idinepensa naman ng Department of Health ang kanilang planong pamamahagi ng condom sa mga mag-aaral.
Sa panayam ng DWIZ kay Health Secretary Pauline Jean Ubial, napapanahon na upang palawakin nila ang kamalayan ng mga kabataan hinggil sa epekto ng pakikipagtalik.
Binigyang diin pa ng kalihim na sa modernong panahon, hindi na nababantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pakikipagrelasyon na kadalasan ay nauuwi na sa tinatawag na teenage pregnancy.
Giit pa ng kalihim, sistematiko naman ang kanilang pamamaraan para sa pamamahagi ng condom at kaakibat aniya nito ang pagbibigay edukasyon hinggil sa mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik tulad ng STD, HIV at AIDS.
By Jaymark Dagala