Isandaang porsyento (100%) nang tapos ang pamamahagi ng ayuda o cash assistance sa mga benepisyaryo sa National Capital Region (NCR) Plus.
Ito’y ayon kay Interior Secretary Eduardo Año sa naging ulat sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi.
Ayon kay Año, nasa kabuuang P22,889,119,154 ang naipamahagi sa 22,915,422 beneficiaries sa NCR, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
Sa kasalukuyan naman, walong local government units (LGUs) ang nakatakdang magsauli ng kanilang mga hindi nagamit na pondo na aabot sa P26,302,846 sa Bureau of Treasury.
Ang walong naturang LGUs ay ang Navotas sa Metro Manila, Bacoor, Imus, Alfonso, General Emilio Aguinaldo, Magallanes sa Cavite, Los Baños sa Laguna, at Baras sa Rizal.