Hinaharang umano ng ilang gobernador ang pamamahagi ng COVID-19 vaccines sa mga munisipalidad dahil sa pulitika.
Ayon ito kay Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. dahil maraming doses ng vaccine ang naka imbak lamang sa mga bodega ng ibat-ibang rehiyon.
Dahil dito, sinabi ni Galvez na ang National Government na ang nagsimulang mamahagi ng mga naturang bakuna sa mga munisipalidad.
Pumapalo na sa mahigit 81-M doses ng COVID-19 vaccines ang nai-deliver na sa Pilipinas hanggang kahapon.