Simula na ngayong araw ang pamimigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Educational Assistance para sa mga indigent na mga estudyante.
Ayon kay DSWD secretary Erwin Tulfo, anim na sabado gagawin ang pamimigay o hanggang September 24, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Nagmula ang pondo sa P500 million na inihanda para sa Educational Assistance sa mga mahihirap na estudyante.
Ang mga nag-aaral sa Elementarya ay tatanggap ng P1, 000.00, P2, 000.00 sa Sekondarya, P3, 000.00 sa Senior High School at P4, 000.00 sa mga estudyante ng vocational course.
Para makakuha ng tulong pinansiyal, kailangan lamang ipakita ang Enrollment Certificate at School ID.