Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na wala ng extension ang pamamahagi ng educational assistance sa bansa.
Ito ay kasunod ng anunsiyo ng DSWD na sarado na ang kanilang Online application para sa mga gustong makakuha ng ayuda, matapos umabot sa 2 milyon ang bilang ng mga aplikante.
Ayon kay DSWD secretary Erwin Tulfo, nagkausap na nila ng liderato ng kongreso kung saan natalakay kung paano maipagpapatuloy ang pamamahagi ng educational assistance.
Tiniyak naman ni Tulfo na gumagawa sila ng paraan para matulungan din ang mga estudyante gaya ng mga nasa isolated areas at yung mga walang kakayahang mag-online.
Samantala dahil sa kakulangan ng pondo, ikinokonsiderang gamitin ang pondo ng mga Kongresista para mabigyan ang natitira pang pamilya na hindi nakatanggap ng educational assistance.