Ibababa na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng educational assistance sa district level.
Nabatid na may dalawa pang natitirang payout kung saan nakatakda ito sa September 17 at September 24.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, magbibigay-daan sa mga kulang sa gadyet o hindi makapagparehistro online na magkaroon ng access sa ipinamimigay na cash aid.
Sinabi pa ng kalihim na may natitira pang 500 million pesos mula sa 1.5 billion pesos na pondo para sa naturang programa.
Samantala, nilinaw naman ni Tulfo na hindi lahat ng mga estudyante na nag-aaral sa pampublikong paaralan ay makatatanggap ng nasabing ayuda.