Ipinag-utos na ni health secretary Francisco Duque III ang pamamahagi ng prepositioned supplies at face masks sa mga apektadong residente ng pagputok ng bulkang bulusan sa sorsogon.
Ayon kay Duque, partikular na ipamamahagi ang mga N95 at N88 surgical masks upang ma-protektahan ang mga residente sa abo at epekto nito sa kanilang mga mata.
Kabilang sa mga lugar na nabalot ng abo ang mga bayan ng Juban at Casiguran.
Una nang namahagi ang Department of Health ng hygiene kits, tubig at mga lalagyan ng tubig.
Samantala, pinayuhan naman ni Duque ang mga residente na iwasang magsuot ng contact lens, iwasang lumabas ng kanilang mga bahay at tiyaking natatakpan ang kanilang mga bintana ng mga bagay na magsasala ng abo gaya ng basang kumot.