Nagsimula na ang pamamahagi ng food boxes para sa halos 700,000 pamilya sa Maynila sa ilalim ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) food security program.
Ito ay ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, mas prayoridad ng Lungsod ng Maynila na mapamahagian ang mga residente kumpara sa pag-aayos ng mga kalsada.
Dagdag ni Moreno, ito na ang ikaapat na buwan ng kanilang pamamahagi ng mga food boxes sa mga residente ng lungsod.
Nasa 139,000 boxes na ang naipamahagi ng mga kawani ng Department of Public Services-Manila sa 122 barangay sa District 1 simula pa noong ika-8 ng Mayo.
Naglalaman ang bawat food box ng tatlong kilong bigas, 16 na de lata at walong sachet ng kape.
Gayunman, tuluy-tuloy ang pamamahagi ng naturang food boxes sa anim pang distrito ng siyudad sa mga susunod na araw. —sa panulat ni Rashid Locsin