Nagsimula na ang pamamahagi ng fuel subsidy sa 136,000 public utility jeepney drivers.
Layon ng Pantawid Pasada Fuel Program o PPP na inilunsad ng LTFRB na tulungan ang mga tsuper na pasanin ang napakataas na presyo ng langis.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, bagama’t bahagyang bumaba ang presyo ng krudo at gasolina, mataas pa rin ito kumpara sa presyo noong simula ng taong ito.
Kaya aniya kailangan pa rin ng tulong ng sektor ng transportasyon, lalung lalo na ang mga tsuper at operator ng mga jeepney.
Nagkakahalaga ng P1 bilyong ang inilaang fuel subsidy ng gobyerno para sa mga tsuper at operator ng public utility jeepneys. —sa panulat ni Hya Ludivico