Inihayag ng grupo ng Pasang Masda na hindi umano sapat ang pamamahagi ng ayuda para sa mga tsuper at jeepney operators.
Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin, kulang na kulang ang P6,500 na fuel subsidy na ipinamamahagi ng pamahalaan para maibsan ang sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng langis.
Sinabi ni Martin na kanilang hihilingin na magkaroon ang gobyerno ng ikatlong bugso sa pamamahagi ng subsidiya upang makatulong sa mga tsuper at jeepney operators.
Dagdag pa ni Martin na hirap na hirap na ang mga driver kaya’t hindi rin nila ia-atras ang inihaing petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa hirit na itaas sa P15 ang pasahe sa mga jeep. —sa panulat ni Angelica Doctolero