Sisimulan na ngayong araw, Marso 17 ang pamamahagi ng P3K fuel subsidy sa mga magsasaka at mangingisda.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar, kasama niya si Pangulong Rodrigo Duterte para sa roll-out ng programa sa Tacloban bukas.
Dahil dito, nakiusap si Dar sa mga ito na itigil na ang tigil-palaot.
Magpapatuloy ang programa sa iba pang dako ng bansa hanggang maibigay ang unang tranche na P500M.
Tinatayang nasa 160K magsasaka at mangingisda ang makakatanggap ng P3K na ayuda na tulong upang maibsan ang epekto ng taas-presyo ng langis.
Nitong nakaraang linggo, unang ipinalabas ng dbm ang pondo para sa unang tranche ng subsidy sa puvs at sektor ng agrikultura. – sa panulat ni Abby Malanday