Paiigtingin ng Department of Transportation (DOTr) ang pamamahagi ng ayuda para sa mga tricycle driver.
Ayon sa ahensya, tatanggap ng fuel subsidy ang libu-libong driver bilang bahagi ng P2.5B na inilaan ng pamahalaan.
Sinabi ni DOTr sec. Jaime Bautista, na kanila nang pinag-uusapan ang ibat-ibang mga hakbang para mas mapabilis ang pamamahagi ng subsidiya na malaking tulong sa mataas na presyo ng produktong petrolyo maging ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa.
Aminado si Bautista sa epektong idinulot ng pandemiya sa kabuhayan ng mga drivers kaya agad nilang ipamamahagi ang cash assistance na ipadadaan naman sa Local Government Units (LGUs).