Target ng Department of Transportation o DOTr na maipamahagi sa mga jeepney drivers ang fuel vouchers bilang ayuda sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay DOTr Undersecretary Tim Orbos, inaasahang mailalatag na nila ang guidelines sa susunod na linggo para sa lagda ni DOTr Secretary Arthur tugade.
Mula sa inisyal na dalawang libo pisong (P2,000) halaga ng fuel voucher, posible anyang ibaba nila ito sa isang libo anim na raang piso (P1,600) para mas maraming drivers ang mabigyan.
“Hindi po ibig sabihin na nangangalahati na po tayo ng taon ay hindi na natin maibibigay yung nakaraang dapat ibigay, ganun pa rin po ibibigay pa rin po ‘yun kasi ang allocation naman po nito ay for the whole year. Titingnan po ng Department of Finance, ng DOTr at DOE kung ano naman ang epekto ng fuel again for next year, hangga’t nandiyan ang pangangailanan, kung kailangan po next year ‘yan ay mag-a-allocate ulit ang Department of Finance.” Ani Orbos
Samantala, sinabi ni Orbos na pabor ang DOTr na itaas ang pasahe sa jeepney.
Gayunman, pabor lamang aniya sila sa fare increase sa mga jeepney na lumahok sa modernisasyon.
“Kung ang bibigyan ng increase ay mga nagmomodernize na sasakyan ay wala po tayong problema doon dahil nakikita natin syempre maglalabas sila ng capital eh tutulong po tayo doon, pero ‘yung mga lumang sasakyan ang bibigyan ng increase hindi namin nakikita na kailangan ‘yan lalo na ‘yung mga makina ng ganitong mga jeepney dahil luma na ay mas malakas kumain ng gasolina.” Pahayag ni Orbos
(Ratsada Balita Interview)