Hinimok ni Albay Rep. Edcel Lagman ang pamahalaan na mamahagi ng libreng condoms at contraceptives sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa mambabatas na siyang pangunahing may-akda ng Reproductive Health Law, mas mataas aniya ang tiyansang magsiping ang mag-asawa dahil na rin sa paglagi ng mga ito sa kabahayan dahil sa ECQ.
Dagdag pa nito, dapat daw tiyakin ang sapat na suplay ng mga contraceptives sa mga drug stores para sa mga may kakayahang bumili nito.
Depensa naman ni Lagman, kailangang ipatupad ang hakbang na ito para maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis.