Kasabay ng selebrasyon ng International Human Rights Day, iginiit ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang karapatan ng mga magsasaka sa pagkakaroon ng sariling lupa upang matiyak ang food security ng bansa.
Ayon kay KMP President Danilo Ramos, ang Economic, Political at Cultural rights ay ginarantiyahan ng International Human Rights at kabilang dito ang pagkakaroon ng lupang masasaka.
Hindi na anya dapat ipatupad ang Comprehensive Agrarian Reform Program ng Department of Agrarian Reform dahil matagal na umanong tapos ang naturang programa noong 2014.
Binigyang-diin ni Ramos na Genuine Agrarian Reform Program ang dapat ipatupad upang matiyak ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasakang walang lupa.