Bagaman hindi abortifacient ang findings ng Food and Drugs Administration sa mahigit 50 contraceptive products, inihayag ni Senate Majority Floorleader Tito Sotto na dapat munang hintayin ang opisyal na anunsyo ng Korte Suprema.
Ayon kay Sotto, hindi dapat na agarang ipamahagi ang mga nakaimbak na contraceptive hangga’t walang malinaw na anunsyo ang Supreme Court na binabawi na nila ang T.R.O.
Ito’y kahit pa anya inihayag ng Department of Health na dahil sa naging findings ng F.D.A. ay awtomatikong lifted ang naturang kautusan.
Idinagdag ni Sotto na makabubuting magpatawag ng pagdinig ang Senate Committee on Health upang pagpaliwanagin ang FDA at isumite ang kanilang naging findings.