Aprubado na ng Korte Suprema ang pamamahagi ng nasa 700,000 plaka ng sasakyan at motorsiklo matapos ang halos dalawang taong pagkaka-tengga.
Ito, ayon kay Supreme Court Spokesman Theodore Te, ito ay makaraang alisin ng Supreme Court En Banc ang Temporary Restraining Order na inissue noong June 14, 2016.
Pinagtibay ng S.C. ang ligalidad ng paggamit sa appropriation sa ilalim ng Motor Vehicle Registration and Driver’s Licensing Regulatory Services sa General Appropriations Act of 2014 para sa implementasyon ng Motor Vehicle License Plate Standardization Program ng Land Transportation Office.
Magugunitang inihirit nina dating Abakada Party-List Rep. Jonathan Dela Cruz at Parañaque City Rep. Gustavo Tambunting sa S.C. na ipawalang bisa ang “application and implementation” ng kwestyonableng appropriation para sa 3.8 Billion Peso LTO Motor Vehicle License Plate Standardization Program sa ilalim ng 2014 budget.
Ang naturang kontrata para mga plaka ay ini-award ng gobyerno sa Power Plates Development Concepts at J. Knieriem B.V. Goes.