Magtatagal lamang ng tatlong buwan ang pamamahagi ng P500 ayuda para sa mga mahihirap na pamilya sa buong bansa.
Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Tina Canda, sa nasabing panahon lang sasakto ang karagdagang koleksyon mula sa value-added tax o vat na nasa P26B.
Dahil dito, makakatanggap ang bawat benepisyaryo ng P1,500 sa loob ng tatlong buwan.
Unang inaprubahan ni Pangulong Duterte ang P200 na subsidiya para sa mga mahihirap na sektor, na umakyat pa sa P500. – sa panulat ni Abby Malanday