Inaasahang maipapamahagi na ang second tranche ng fuel subsidy program para sa mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers at operators sa katupusan ng buwan o sa unang bahagi Hulyo.
Ayon kay LTFRB Executive Director Tina Cassion, inihahanda na ng ahensya ang mga dokumento para sa pamamahagi ng P6,500 fuel subsidy sa kanilang benepisyaryo.
Aniya, sa ngayon kasi, wala na sa limang libo mula sa 377,000 na benepisyaryo ang hindi pa nakakatanggap ng first trance ng nasabing tulong.
Pero nilinaw niya na tanging ang mga kasama lamang noong unang bahagi ng fuel subsidy ang makakatanggap ng panibagong ayuda.
Matatandaang hinati ng LTFRB sa dalawang tranche ang inilaang P5 bilyong subsidiya para sa mga nasa sektor ng transportasyon na apektado ng krisis sa langis.