Magtatagal hanggang Disyembre 29 ang pamamahagi ng pamaskong handog ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela para sa mga lolo at lola ng lungsod.
Ayon sa nasabing lungsod, ang mga senior citizen na hindi pa nabibigyan ng kanilang gift packs ay maaaring magtungo sa city social welfare and development office.
Maliban sa senior citizens na naninirahan sa Barangay Ugong, maaaring magpunta sa Ugong 3s center para kunin ang kanilang pamaskong handog.
Target ng lungsod na mabigyan ang mahigit 63, 246 na gift packs ang mga lolo’t lola ngayong taon.
Biyernes nang magsimula ang taunang pamamahagi ng pamaskong handog ng pamahalaang lungsod sa senior citizen. - sa panunulat ni Maze Aliño-Dayundayon