Naniniwala ang isang ekonomista na hindi pa napapanahon na itigil ng gobyerno ang pamamahagi ng ayuda.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Astro Del Castillo, Economic Analyst at UP Professor, na hindi pa tapos ang COVID-19 pandemic at hindi pa lahat nakakarekober mula sa epekto nito.
Maliban dito, lahat aniya ay tinatamaan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at langis.
Matatandaang iginiit ni Finance Secretary Benjamin Diokno na dapat nang ipatigil ng pamahalaan ang pamamahagi pandemic cash assistance at sa halip ay ituloy na lang ang tulong sa mahihirap at senior citizens.
Nagbigay naman ng payo sa publiko si Del Castillo kaugnay sa tamang paggasta.