Tuloy-tuloy lamang pamamahagi ng social amelioration program (SAP) kahit pa nagtapos na ang deadline nitong May 10.
Nilinaw ito ng Department of Interior and Local Government (DILG) matapos ibasura ang hirit na panibagong extension ng ilang Local Government Units (LGU).
Ayon kay DILG Usec. Jonathan Malaya, ang deadline naman ay indikasyon at panukat lamang sa performance ng mga LGU’s.
Hanggat hindi anya binabawi ng pamahalaan ang ibinabang pondo para sa sap ay dapat tuloy-tuloy lamang itong ipamamahagi.
Sinabi ni Malaya na makakakuha lamang ng pondo para sa ikalawang tranche ng SAP ang mga LGU’s kapag nakapagsumite na sila ng liquidation report sa unang tranche ng SAP.