Posibleng mapalawig pa ang deadline sa pamamahagi ng unang tranche ng cash assistance sa ilalim ng social amelioration program (SAP).
Ngayong araw na ito matatapos ang isang linggong palugit na ibinigay ni DILG Secretary Eduardo Año sa local government units (LGU) para tapusin ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga pamilyang apektado ng enhanced commuity quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Año na magsasagawa sila ng assessment ngayong umaga kung ilang LGU’s na ang nakakumpleto sa pamamahagi ng nasabing cash aid.
Titingnan aniya nila kung makatuwiran ang dahilan ng LGU’s na bigo pang makatapos ng distribusyon ng tulong pinansyal sa kanilang mga constituents.
Inamin naman ni Año na ang National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng pinakamaraming problema sa pamamahagi ng cash aid lalo’t malaki rin ang bilang ng mga beneficiary dito.