Kakaibang diskarte ang ginawa ng lokal na pamahalaan ng Makati upang ma-engganyong magpabakuna ang mga batang edad 5 hanggang 11 laban sa COVID-19.
Sa pamamagitan ito ng pamamahagi ng tsokolate.
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, layon nilang bigyan ng reward at pasayahin ang mga batang magpapabakuna.
Sisimulan ang vaccination program sa Sm Makati at Nemesio Yabut Elementary School para sa naturang age group.
Mahigpit namang ipatutupad ang “no walk-in” policy sa vaccination sites.
Para makasali, iparehistro ang mga anak online sa pamamagitan ng website na covid19vaccine.safemakati.com. —sa panulat ni Abby Malanday