Nagsimula nang magbigay ng tulong medikal at burial sa mga taong nangangailangan ang Office of Vice President (OVP) sa pamamagitan ng mga satellite office nito.
Ayon kay Vice Presidential Spokesperson Atty. Reynold Munsayac, ang pagbubukas ng mga satellite office ay naglalayong matulungan ang mga tao na makakuha ng mas madaling access sa mga serbisyong panlipunan mula sa OVP.
Nabatid na ang mga satellite office ng OVP ay nag-aalok ng tulong medikal at burial na maaaring ma-avail sa pamamagitan ng mga partner hospital o direktang walk-in application.
Samantala, matatagpuan ang mga OVP satellite office sa mga lugar sa labas ng Metro Manila partikular sa Dagupan, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao at tandag sa Surigao Del Sur.