Tuloy tuloy ang pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyong Nona at Onyok.
Ito ang tiniyak ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma sa harap na rin ng panawagan at paghingi ng ayuda ng mga biktima ng kalamidad.
Ayon kay Coloma nakapamahagi na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council ng humigit kumulang P56.2 Million na halaga ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Nona sa Regions 2, 4-a, 4-b , regions 5 at 8.
Naka-prepositioned na rin ang tinatayang P674 Million standy funds ng Department of Social Welfare and Development, habang P111.5 Million na halaga ng food at non-food items, bukod pa sa mahigit P 200,000 food packs para sa regions 10, 11 at 12, caraga na sinalanta naman ng bagyong Onyok.
By: Aileen Taliping (patrol 23)