Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilya at indibidwal na apektado ng kalamidad sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Pinapurihan naman ni DSWD Officer-in-Charge Edu Punay ang mga empleyado sa kanilang oras at pagsisikap na matugunan ang mga pangangailangan ng mga biktima.
Dahil aniya sa halos walang patid na paghahatid ng ayuda at relief operations ay naihanay ang DSWD sa tatlong best-performing agencies sa bansa.
Mahigit P40 milyong halaga na ng tulong ang naihatid ng ahensya sa Regions 5, 6, 8, 9, 10, 11, 12, Caraga, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).