Isang araw bago ang halalan, sinimulan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pamamahagi ng Vote Counting Machines (VCMs) sa iba’t ibang polling places sa Cotabato City.
Nakuha ng mga tauhan ng militar ang VCMs pasado alas-otso ng umaga kanina at nakatakdang sumailalim sa Final Testing at Sealing (FTS) ngayong araw.
Sinabi ni Cotabato City Police Brigadier General Paul Labra na ang hakbang ay aprubado ng COMELEC ayon sa napagkasunduan sa naganap na pagpupulong kaninang umaga.
Nabatid na nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng Cotabato City Police at Election Officer na nagresulta sa pagkaantala ng distibusyon ng mga vcm sa nabanggit na lungsod.
Matatandaan na mula May 2 hanggang May 7 lamang ang itinakdang schedule ng COMELEC para sa naturang FTS ng vote counting machines.