Tuluy-tuloy ang pamamahagi ng yellow bin ng DENR sa mga barangay sa buong bansa.
Ito ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda ay para matiyak na naitatapon ng maayos ang mga face shield, face mask, gloves at iba pang personal protective equipment na ginamit kontra COVID-19.
Ipinabatid ni antiporda na Disyembre nuong isang taon ay namahagi na sila ng yellow bin sa metro manila pa lamang.
Sinabi ni antiporda na sa buwan ng Pebrero ay target nilang makapagbigay ng 1, 600 yellow bin at hinihingi nila ang tulong ng local government units para magdagdag pa ng maraming yellow bin sa kani kanilang mga nasasakupan.