Ikinatuwa ng Grupong Bantay Bigas ang hakbang ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior na ipamahagi sa mga mahihirap ang mga nasabat na smuggled na bigas.
Ayon kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, mas pabor siya sa ganitong hakbang kumpara ibenta nito sa mga kadiwa store tulad ng ginawa noon sa mga smuggled sugar.
Dagdag pa ng bantay bigas official, na mas nabibigyan pa ng katwiran ang mga smuggler na ipagpatuloy ang kanilang gawain kung naibebenta pa sa kadiwa ang kanilang mga puslit na produkto.
Giit pa ni spokesperson Estavillo, dahil sa ilegal ang pagnenegosyo ang mga kumpiskadong bigas, mas makabubuti kung ipamigay ito nang libre sa mga mahihirap.
Sang-ayon ang grupo na pangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development ang pamamahagi nito sa mga mahihirap dahil kilala ang ahensya sa pagkakaloob ng subsidiya sa mga mahihirap.