Iniirekomenda ni Davao City Rep. Isidro Ungab ang paggamit ng P500-milyong alokasyon sa pagpapagawa ng bagong kapitolyo ng Camarines Sur sa pondong ipapamahagi sa mga local government unit (LGUs).
Ito ang naging rekomendasyon ng mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, ito ang sagot matapos na aprubahan ng pangulo ang pagkakaloob ng ayuda sa mga lokal na pamahalaan sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One act.
Dagdag pa ni Ungab, ang pondong gagamitin sana sa proyekto ni Deputy Speaker L-ray Villafuerte ay malaking tulong kung ilalaan sa laban ng pamahalaan konta coronavirus disease 2019 (COVID-19).