Huling araw na ngayon ng pamamahagi sa unang tranche ng cash aid sa ilalim social amelioration program (SAP) ng pamahalaan.
Kaugnay nito, tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na mananagot ang mga opisyal ng local government units (LGUs) na mapatutunayang nagpabaya kaya’t naantala ang pamamahagi ng cash aid.
Gayunman, tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na dadaan naman sa due process ang mga inaakusahang opisyal.
Samantala, tiniyak ni Malaya na kumikilos na ang pamahalaan upang matiyak na mabibigyan ng cash aid ngayong Mayo ang mga kwalipikado subalit hindi naisama sa unang tranche.