Aalis na sa EDSA ang mga tauhan ng Highway Patrol Group simula sa Lunes.
Ito’y matapos ibalik sa pamamahala ng MMDA ang pagmamando sa EDSA.
Ayon kay Highway Patrol Group Director Police Chief Superintendent Antonio Gardiola, ililipat na nila sa iba pang problemadong kalsada sa Metro Manila ang mahigit sa 200 nilang tauhan.
Ito’y sa C5, Commonwealth Avenue, at NAIA Expressway na konektado sa Terminal 1, 2, at 3.
Gayunman, hindi tuluyang mawawala sa EDSA ang Highway Patrol Group.
Mag-iiwan, aniya, sila ng 30 tauhan upang tumulong sa MMDA sa Balintawak at Cubao kung saan nananatiling masikip ang daloy ng mga sasakyan.
Samantala, tagumpay naman para sa Highway Patrol Group ang ipinatupad na extended no window hour policy sa ilang bahagi ng Metro Manila dahil sa kapansin-pansing pagluwag ng daloy ng mga sasakyan sa ilang pangunahing lansangan.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal