Balik-kulungan ang isang ex-convict matapos itong mahulihan ng hindi lisensyadong baril na plano nitong gamitin sa kalaguyo umano ng kanyang asawa sa Cebu City.
Inamin ng suspek na nakilalang si Arnel Ruiz,31 anyos
Ayon sa awtoridad, nakatanggap ng sumbong ang mga pulis tungkol sa isang lalaki na may dalang baril sa Sitio Manggahan ng nasabing lungsod.
Nakuha kay Ruiz ang isang kalibre. 38 na baril na kargado ng 2 bala.
Ayon sa suspek, hinahanap niya ang kanyang misis na hinihinala niyang may kinahuhumalingang kalaguyo.
Nakadetine na ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito.