Kinuwestyon ng ilang netizens ang litrato ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na kitang namamasyal sa Ocean Adventure sa Subic.
Bagama’t wala na sa Facebook page ng naturang water adventure ang litrato ni Roque na namamasyal dito, kita naman sa ilang kumalat na screenshots ang litrato ng tagapagsalita na kasama ang mga dolphins, maging ang kuha na tila’y may kausap ito na ang ilan sa kanila ay walang suot na facemask.
Kasunod nito, kinumpirma naman ni Roque na totoo ang mga litratong kumalat online.
Paliwanag niya, may pinuntahan aniya siyang ari-arian sa Bataan na nasa ilalim na ng modified general community quarantine (MGCQ) o mas maluwag na community quarantine, gaya ng sa Subic.
Nauna rito, pinayagan na ng pamahalaan na tumanggap ng nasa 50% na mga turista ang mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ.
Giit pa ni Roque, itinuturing siyang authorized person outside residence (APOR) dahil sa negosyo nito.