Ipinagkibit-balikat ng Pangulong Noynoy Aquino ang pag-angat nina Vice President Jejomar Binay at Senador Ferdinand Bongbong Marcos sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) na ginawa sa unang linggo ng buwang ito.
Kasunod ito nang pagbawi at muling pangunguna ni Binay na nagtala ng 31% mula sa 26% na ratings noong December 2015.
Mula naman sa dating 19% ay tumaas ang ratings ni Marcos sa 25%.
Ayon sa Pangulo, pansamantala lamang ang mataas na ratings nina Binay at Marcos dahil hindi pa naiisip ng respondents ang mga negatibong bagay laban sa dalawang kandidato nang isagawa ang survey.
Ikinatuwiran ng Pangulo ang posibleng pagbabago pa ng resulta ng survey kapag nagsimula na ang kampanya sa susunod na buwan.
Muling tiniyak ng Pangulo na mangangampanya sila sa malinis na paraan at tila hinamon pa ang mga kalaban na pantayan o higitan ang nagawa ng kaniyang administrasyon sa ilalim ng Daang Matuwid.
By Judith Larino