Naglabas na ng guidelines ang LTFRB-Central Visayas para sa tamang ventilation sa loob ng mga Public Utility Vehicle sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa LTFRB Regional Office, dapat buksan ng kahit hanggang 2 inches ang bintana ng mga sedan driver habang dapat ay nakabukas ang lahat ng bintana ng mga van.
Dapat namang buksan sa lahat ng pagkakataon ng mga driver ng mga bus at modernized public utility jeep ang pintuan ng kanilang mga sasakyan.
Maaari ring patayin ng mga puv ang aircon at buksan na lamang ang lahat ng bintana o pintauan ng mga sasakyan.
Ipinunto ni Dr. Mary Jean Loreche, DOH-Central Visayas Chief Pathologist na mahalaga ngayon ang ventilation sa paglaban ng bansa sa COVID-19 lalo sa mas nakahahawang delta variant.
Maaari anyang magpagala-gala ang COVID particles sa hangin nang hanggang 16 na oras kaya’t dapat tutukang maigi ang ventilation partikular sa mga kulob na lugar.—sa panulat ni Drew Nacino