Walang nakikitang dahilan para mahigitan ang pamasahe sa EDSA bus carousel, at ang pamasahe sa MRT.
Ito ang iginiit ng management Association of the Philippines na kabilang sa 30 organisasyon na nagsusulong sa pagsasapribado ng EDSA bus carousel na sa kasalukuyang hawak ng gobyerno.
Sa pagtaya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nasa 350,000 na pasahero ang naseserbisyuhan ng EDSA bus carousel araw-araw kung saan P 74 hanggang P79 -M na ang nagagastos ng pamahalaan linggo-linggo para rito.
Sinabi ni Eduardo Yap, Chairperson ng Transportation and Infrastructure at the Management Association of the Philippines, mainam na mai-ayon sa umiiral na pamasahe sa tren ang standard bus fare sa carousel.
Aniya, kakaunti lamang ang gastos sa pagpapatakbo ng EDSA bus carousel kumpara sa tren kung saan naglalaro lamang sa P11 hanggang P30 ang pamasahe sa MRT at LRT depende pa sa pupuntahang destinasyon.