Tiniyak ng Philippine Veterans Affairs Office o PVAO na may sapat na pondo para sa pagtataas ng pension sa mga beteranong nakipaglaban noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Iyan ang inihayag ni PVAO Administrator at Defense Usec. Ernesto Carolina makaraang ibalita nito ang pagkakapasa ng panukalang nagsusulong sa taas pensyon sa mga beterano kasabay ng ika-isandaan at dalawampung anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan.
Ayon kay Carolina, maituturing na magandang regalo sa mga beterano ang naturang panukala at umaasa siyang malalagdaan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bago sumapit ang Kapaskuhan.
Magugunitang nakalusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang magtataas sa 20,000 pisong pensyon mula sa dating 5,000 piso para sa mga beterano ng World War 2 gayundin ng Korean at Vietnam war.
—-