Naniniwala ang isang kilalang political analyst na nagbunga na ang ginawang pambabatikos kay Senadora Grace Poe.
Ito ang pananaw ni Professor Clarita Carlos matapos maungusan ni Poe si ang dating front-runner sa Presidential survey na si Vice President Jejomar Binay.
Umapela rin si Carlos sa taumbayan maging sa media na huwag masyadong tutukan ang resulta ng mga survey na may kinalaman sa halalan.
“Tsaka wag tayong mag-rely lang at sobrang tutok natin sa mga survey results, yan na ang nagiging gitna ng buhay natin, sana kayong mga journalists, mga media, huwag niyo masyadong tutukan ito, kasi yung mga less discerning voters natin, masyadong yan lang ang sinusunod.” Ani Carlos.
By Meann Tanbio | Kasangga Mo Ang Langit